Surah An-Najm (Ang Bituin — النجم) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




53 An-Najm(النجم), Talata 23

إِنْ هِيَ إِلَّا أَسْمَاءٌ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَمَا تَهْوَى الْأَنْفُسُ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مِنْ رَبِّهِمُ الْهُدَىٰ 23 ٢٣

Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay. (23)

Tafsīr
Walang iba ang mga anitong ito kundi mga pangalang hubad sa kahulugan – sapagkat walang bahagi para sa mga ito sa mga katangian ng pagkadiyos – na ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo mula sa pagkukusa ng mga sarili ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang patunay. Hindi sumusunod ang mga tagapagtambal sa paniniwala nila kundi sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili nila kabilang sa ipinang-akit ng demonyo sa mga puso nila. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay sa pamamagitan ng dila ng Propeta ni Allāh – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ngunit hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba