Surah Al-Qamar (Ang Buwan — القمر) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




54 Al-Qamar(القمر), Talata 12

وَفَجَّرْنَا الْأَرْضَ عُيُونًا فَالْتَقَى الْمَاءُ عَلَىٰ أَمْرٍ قَدْ قُدِرَ 12 ١٢

Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda. (12)

Tafsīr
Nagpabulwak Kami sa lupa kaya nagkaroon ng mga bukal na umaagos mula sa mga ito ang tubig, saka nagtagpo ang tubig na bumababa mula sa langit sa tubig na umaagos mula sa lupa ayon sa isang utos na itinakda ni Allāh sa kawalang-hanggan. Kaya nalunod ang lahat maliban sa sinumang iniligtas ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba