Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 13

يَوْمَ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ لِلَّذِينَ آمَنُوا انْظُرُونَا نَقْتَبِسْ مِنْ نُورِكُمْ قِيلَ ارْجِعُوا وَرَاءَكُمْ فَالْتَمِسُوا نُورًا فَضُرِبَ بَيْنَهُمْ بِسُورٍ لَهُ بَابٌ بَاطِنُهُ فِيهِ الرَّحْمَةُ وَظَاهِرُهُ مِنْ قِبَلِهِ الْعَذَابُ 13 ١٣

Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: “Maghintay kayo sa amin; magpaparikit kami mula sa liwanag ninyo!” Sasabihin [sa kanila]: “Bumalik kayo sa likuran ninyo at maghanap kayo ng isang liwanag.” Kaya maglalagay sa pagitan nila [at ng mga mananampalataya] ng isang pader na mayroon itong isang pinto, na ang loob nito ay narito ang awa at ang labas nito mula sa harap nito ay ang pagdurusa. (13)

Tafsīr
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: "Maghintay kayo sa amin sa pag-asang makapagparikit kami mula sa liwanag ninyo, na tutulong sa amin sa pagtawid sa landasin!" Sasabihin sa mga mapagpaimbabaw bilang pangungutya sa kanila: "Bumalik kayo sa likuran ninyo saka maghanap kayo ng isang liwanag na ipanliliwanag ninyo." Kaya maglalagay sa pagitan nila ng isang pader. Ang pader na iyon ay may isang pinto, na ang loob nito mula sa nalalapit sa mga mananampalataya ay naroon ang awa at ang labas nito mula sa nalalapit sa mga mapagpaimbabaw ay naroon ang pagdurusa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba