Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 13 sa 29 • Tagalog


يَوْمَ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ لِلَّذِينَ آمَنُوا انْظُرُونَا نَقْتَبِسْ مِنْ نُورِكُمْ قِيلَ ارْجِعُوا وَرَاءَكُمْ فَالْتَمِسُوا نُورًا فَضُرِبَ بَيْنَهُمْ بِسُورٍ لَهُ بَابٌ بَاطِنُهُ فِيهِ الرَّحْمَةُ وَظَاهِرُهُ مِنْ قِبَلِهِ الْعَذَابُ 13
Pagsasalin:
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: “Maghintay kayo sa amin; magpaparikit kami mula sa liwanag ninyo!” Sasabihin [sa kanila]: “Bumalik kayo sa likuran ninyo at maghanap kayo ng isang liwanag.” Kaya maglalagay sa pagitan nila [at ng mga mananampalataya] ng isang pader na mayroon itong isang pinto, na ang loob nito ay narito ang awa at ang labas nito mula sa harap nito ay ang pagdurusa. Al-Ḥadīd 57:13
Tafsīr:
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: "Maghintay kayo sa amin sa pag-asang makapagparikit kami mula sa liwanag ninyo, na tutulong sa amin sa pagtawid sa landasin!" Sasabihin sa mga mapagpaimbabaw bilang pangungutya sa kanila: "Bumalik kayo sa likuran ninyo saka maghanap kayo ng isang liwanag na ipanliliwanag ninyo." Kaya maglalagay sa pagitan nila ng isang pader. Ang pader na iyon ay may isang pinto, na ang loob nito mula sa nalalapit sa mga mananampalataya ay naroon ang awa at ang labas nito mula sa nalalapit sa mga mapagpaimbabaw ay naroon ang pagdurusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 12 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 14