Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 14 sa 29 • Tagalog


يُنَادُونَهُمْ أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمْ فَتَنْتُمْ أَنْفُسَكُمْ وَتَرَبَّصْتُمْ وَارْتَبْتُمْ وَغَرَّتْكُمُ الْأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ وَغَرَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ 14
Pagsasalin:
Mananawagan sila [na mga mapagpaimbabaw] sa kanila [na mga mananampalataya]: “Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo?” Magsasabi sila: “Oo; subalit kayo ay nagpasawi sa mga sarili ninyo, nag-abang, at nag-alinlangan. Luminlang sa inyo ang mga mithiin hanggang sa dumating ang pasya ni Allāh at luminlang sa inyo kay Allāh [si Satanas,] ang mapanlinlang.” Al-Ḥadīd 57:14
Tafsīr:
Mananawagan ang mga mapagpaimbabaw sa mga mananampalataya, na mga nagsasabi: "Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo sa Islām at pagtalima?" Magsasabi sa kanila ang mga mananampalataya: "Oo, kayo dati ay kasama sa amin; subalit kayo ay tumukso sa mga sarili ninyo dahil sa pagpapaimbabaw kaya nagpahamak kayo sa mga ito. Nag-abang kayo sa mga mananampalataya na madaig sila para magpahayag kayo ng kawalang-pananampalataya ninyo. Nagduda kayo sa pag-aadya ni Allāh sa mga mananampalataya at sa pagbubuhay [na muli] matapos ng kamatayan. Dumaya sa inyo ang mga sinungaling na ambisyon hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay nasa [kalagayang] iyon. Luminlang sa inyo kay Allāh ang demonyo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 13 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 15