Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo ng isang pantubos ni mula sa mga tumangging sumampalataya. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy; ito ay ang pagpapatangkilikan ninyo. Kay saklap ang kahahantungan! Al-Ḥadīd 57:15 ⧉
Tafsīr:
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo, O mga mapagpaimbabaw, ng isang pantubos laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ni kukuha ng isang pantubos mula sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh nang hayagan. Ang kahahantungan ninyo ay ang kahahantungan ng mga tagatangging sumampalataya: ang Apoy. Ito ay ang higit na nararapat sa inyo at kayo ay higit na nararapat dito. Kay saklap ang kahahantungan!