Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya na magpakataimtim ang mga puso nila para sa pag-alaala kay Allāh at [para sa] anumang bumaba mula sa katotohanan at [na] hindi sila maging gaya ng mga nabigyan ng Kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa niyan saka humaba sa mga ito ang yugto kaya tumigas ang mga puso ng mga ito? Marami sa mga ito ay mga suwail. Al-Ḥadīd 57:16 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya na lumambot ang mga puso nila at pumanatag ang mga ito para sa pag-alaala kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at sa bumaba mula sa Qur'ān na pangako o banta, at hindi sila maging tulad ng mga nabigyan ng Torah kabilang sa mga Hudyo at mga nabigyan ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano sa katigasan ng mga puso? Humaba ang panahon sa pagitan ng mga ito at ng pagpapadala ng mga propeta nila kaya tumigas dahilan doon ang mga puso ng mga ito. Marami sa mga ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh – pagkataas-taas Siya – patungo sa pagsuway sa Kanya!