Sa Araw na makakikita ka ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang sumisinag ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. [Sasabihin sa kanila sa Araw na iyon:] “Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito.” Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. Al-Ḥadīd 57:12 ⧉
Tafsīr:
Sa Araw na makakikita ka ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang nangunguna sa kanila ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. Sasabihin sa kanila sa Araw na iyon: "Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman." Ang ganting iyon ay ang pagkatamong sukdulan na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.