Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang para magpaibayo Siya rito para sa kanya? Ukol sa kanya ay isang pabuyang marangal [na Paraiso]. Al-Ḥadīd 57:11 ⧉
Tafsīr:
Sino itong magkakaloob ng yaman niya dala ng kasiyahan ng sarili niya para sa [kaluguran ng] mukha ni Allāh para magbigay sa kanya si Allāh ng pinag-ibayong gantimpala sa ipinagkaloob niya mula sa yaman? Ukol sa kanya sa Araw ng Pagbangon ay gantimpalang marangal, ang Paraiso.