Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 14

يُنَادُونَهُمْ أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمْ فَتَنْتُمْ أَنْفُسَكُمْ وَتَرَبَّصْتُمْ وَارْتَبْتُمْ وَغَرَّتْكُمُ الْأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ وَغَرَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ 14 ١٤

Mananawagan sila [na mga mapagpaimbabaw] sa kanila [na mga mananampalataya]: “Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo?” Magsasabi sila: “Oo; subalit kayo ay nagpasawi sa mga sarili ninyo, nag-abang, at nag-alinlangan. Luminlang sa inyo ang mga mithiin hanggang sa dumating ang pasya ni Allāh at luminlang sa inyo kay Allāh [si Satanas,] ang mapanlinlang.” (14)

Tafsīr
Mananawagan ang mga mapagpaimbabaw sa mga mananampalataya, na mga nagsasabi: "Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo sa Islām at pagtalima?" Magsasabi sa kanila ang mga mananampalataya: "Oo, kayo dati ay kasama sa amin; subalit kayo ay tumukso sa mga sarili ninyo dahil sa pagpapaimbabaw kaya nagpahamak kayo sa mga ito. Nag-abang kayo sa mga mananampalataya na madaig sila para magpahayag kayo ng kawalang-pananampalataya ninyo. Nagduda kayo sa pag-aadya ni Allāh sa mga mananampalataya at sa pagbubuhay [na muli] matapos ng kamatayan. Dumaya sa inyo ang mga sinungaling na ambisyon hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay nasa [kalagayang] iyon. Luminlang sa inyo kay Allāh ang demonyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba