Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 15

فَالْيَوْمَ لَا يُؤْخَذُ مِنْكُمْ فِدْيَةٌ وَلَا مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ مَأْوَاكُمُ النَّارُ ۖ هِيَ مَوْلَاكُمْ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ 15 ١٥

Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo ng isang pantubos ni mula sa mga tumangging sumampalataya. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy; ito ay ang pagpapatangkilikan ninyo. Kay saklap ang kahahantungan! (15)

Tafsīr
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo, O mga mapagpaimbabaw, ng isang pantubos laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ni kukuha ng isang pantubos mula sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh nang hayagan. Ang kahahantungan ninyo ay ang kahahantungan ng mga tagatangging sumampalataya: ang Apoy. Ito ay ang higit na nararapat sa inyo at kayo ay higit na nararapat dito. Kay saklap ang kahahantungan!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba