Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 18

إِنَّ الْمُصَّدِّقِينَ وَالْمُصَّدِّقَاتِ وَأَقْرَضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا يُضَاعَفُ لَهُمْ وَلَهُمْ أَجْرٌ كَرِيمٌ 18 ١٨

Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa at ang mga babaing tagapagkawanggawa at nagpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang ay magpapaibayo Siya para sa kanila [ng gantimpala]. Ukol sa kanila ay isang pabuyang marangal [sa Paraiso]. (18)

Tafsīr
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila at ang mga babaing tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila, at ang mga gumugugol nito dala ng kasiyahan ng mga sarili nila nang walang panunumbat ni pamiminsala ay magpapaibayo Siya para sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila. Ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ukol sa kanila sa kabila niyon ay isang gantimpalang marangal sa ganang kay Allāh, ang Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba