Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 18 sa 29 • Tagalog


إِنَّ الْمُصَّدِّقِينَ وَالْمُصَّدِّقَاتِ وَأَقْرَضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا يُضَاعَفُ لَهُمْ وَلَهُمْ أَجْرٌ كَرِيمٌ 18
Pagsasalin:
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa at ang mga babaing tagapagkawanggawa at nagpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang ay magpapaibayo Siya para sa kanila [ng gantimpala]. Ukol sa kanila ay isang pabuyang marangal [sa Paraiso]. Al-Ḥadīd 57:18
Tafsīr:
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila at ang mga babaing tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila, at ang mga gumugugol nito dala ng kasiyahan ng mga sarili nila nang walang panunumbat ni pamiminsala ay magpapaibayo Siya para sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila. Ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ukol sa kanila sa kabila niyon ay isang gantimpalang marangal sa ganang kay Allāh, ang Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 17 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 19