Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 19 sa 29 • Tagalog


وَالَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الصِّدِّيقُونَ ۖ وَالشُّهَدَاءُ عِنْدَ رَبِّهِمْ لَهُمْ أَجْرُهُمْ وَنُورُهُمْ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ 19
Pagsasalin:
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang pabuya nila at ang liwanag nila. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. Al-Ḥadīd 57:19
Tafsīr:
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa mga sugo Niya nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang gantimpala nilang marangal na inihanda para sa kanila at ukol sa kanila ang liwanag nila na sisinag sa harapan nila at sa mga kanan nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at nagpasinungaling sa mga tanda Niyang pinababa sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. Papasok sila roon sa Araw ng Pagbangon bilang mga mananatili roon magpakailanman; hindi sila lalabas mula roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 18 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 20