Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 20 sa 29 • Tagalog


اعْلَمُوا أَنَّمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا لَعِبٌ وَلَهْوٌ وَزِينَةٌ وَتَفَاخُرٌ بَيْنَكُمْ وَتَكَاثُرٌ فِي الْأَمْوَالِ وَالْأَوْلَادِ ۖ كَمَثَلِ غَيْثٍ أَعْجَبَ الْكُفَّارَ نَبَاتُهُ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَاهُ مُصْفَرًّا ثُمَّ يَكُونُ حُطَامًا ۖ وَفِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ شَدِيدٌ وَمَغْفِرَةٌ مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانٌ ۚ وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا مَتَاعُ الْغُرُورِ 20
Pagsasalin:
Alamin ninyo na ang buhay na pangmundo ay isang laro, isang paglilibang, isang gayak, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo, at isang pagpaparamihan sa mga yaman at mga anak lamang, gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga tagapagtanim ang halaman nito, pagkatapos nalalanta ito kaya nakikita mo ito na naninilaw, pagkatapos ito ay nagiging mga pira-piraso. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi [para sa mga tagatangging sumampalataya], isang kapatawaran mula kay Allāh, at isang pagkalugod [Niya para sa mga mananampalataya]. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi ang natatamasa ng pagkalinlang. Al-Ḥadīd 57:20
Tafsīr:
Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro nilalaro ng mga katawan, isang paglilibang ipinanlilibang ng mga puso, isang gayak na ipinapampaganda ninyo, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo dahil sa dulot nitong pagmamay-ari at pagtatamasa, at isang pagpapahambugan sa dami ng mga yaman at dami ng mga anak. Ito ay gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpatuwa sa mga magsasaka ang halaman nito. Pagkatapos hindi nagtagal ang halamang luntiang ito at natuyo kaya makikita mo ito, o nakakikita, na matapos ng pagiging luntian nito ay naging naninilaw. Pagkatapos ginagawa ito ni Allāh na pira-pirasong nagkakadurug-durog. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi para sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga mananampalataya, at isang kaluguran mula sa Kanya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang pagtatamasa naglalaho na walang pananatili para rito. Kaya ang sinumang nagtangi sa pagtatamasang ditong naglalaho higit sa kaginhawahan ng Kabilang-buhay, siya ay isang luging nadaya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 19 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 21