Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang pabuya nila at ang liwanag nila. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. (19)
Tafsīr
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa mga sugo Niya nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang gantimpala nilang marangal na inihanda para sa kanila at ukol sa kanila ang liwanag nila na sisinag sa harapan nila at sa mga kanan nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at nagpasinungaling sa mga tanda Niyang pinababa sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. Papasok sila roon sa Araw ng Pagbangon bilang mga mananatili roon magpakailanman; hindi sila lalabas mula roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: