Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 25)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 25

لَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا بِالْبَيِّنَاتِ وَأَنْزَلْنَا مَعَهُمُ الْكِتَابَ وَالْمِيزَانَ لِيَقُومَ النَّاسُ بِالْقِسْطِ ۖ وَأَنْزَلْنَا الْحَدِيدَ فِيهِ بَأْسٌ شَدِيدٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ وَرُسُلَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ 25 ٢٥

Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may matinding kapangyarihan at mga pakinabang para sa mga tao, at upang maglantad si Allāh kung sino ang mag-aadya sa Kanya at mga sugo Niya nang nakalingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan. (25)

Tafsīr
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng mga kasulatan. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng timbangan upang magpanatili ang mga tao ng katarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may kapangyarihang malakas sapagkat mula rito niyayari ang mga sandata, at dito ay may mga pakinabang para sa mga tao sa mga industriya nila at mga gawain nila. [Ito ay] upang maglantad si Allāh ayon sa kaalamang maglalantad para sa mga tao kung sino ang mag-aadya sa Kanya mula sa mga lingkod Niya nang lingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan na hindi nadadaig ng anuman at hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba