Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 25 sa 29 • Tagalog


لَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا بِالْبَيِّنَاتِ وَأَنْزَلْنَا مَعَهُمُ الْكِتَابَ وَالْمِيزَانَ لِيَقُومَ النَّاسُ بِالْقِسْطِ ۖ وَأَنْزَلْنَا الْحَدِيدَ فِيهِ بَأْسٌ شَدِيدٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ وَرُسُلَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ 25
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may matinding kapangyarihan at mga pakinabang para sa mga tao, at upang maglantad si Allāh kung sino ang mag-aadya sa Kanya at mga sugo Niya nang nakalingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan. Al-Ḥadīd 57:25
Tafsīr:
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng mga kasulatan. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng timbangan upang magpanatili ang mga tao ng katarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may kapangyarihang malakas sapagkat mula rito niyayari ang mga sandata, at dito ay may mga pakinabang para sa mga tao sa mga industriya nila at mga gawain nila. [Ito ay] upang maglantad si Allāh ayon sa kaalamang maglalantad para sa mga tao kung sino ang mag-aadya sa Kanya mula sa mga lingkod Niya nang lingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan na hindi nadadaig ng anuman at hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 24 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 26