Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at Kasulatan, kaya kabilang sa kanila ay napapatnubayan at marami kabilang sa kanila ay mga suwail. Al-Ḥadīd 57:26 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at mga kasulatang pinababa, kaya kabilang sa mga supling nilang dalawa ay napapatnubayan tungo sa landasing tuwid, na naitutuon [doon], at marami kabilang sa kanila ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.