Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Ito ay] upang makaalam ang mga May Kasulatan na hindi sila nakakakaya [na kumamit] sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh at na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh: nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan. (29)
Tafsīr
Naglinaw nga Kami para sa inyo ng kabutihang-loob Naming sukdulan sa pamamagitan ng inihanda Namin para sa inyo, O mga mananampalataya, na gantimpalang pinag-ibayo upang makaalam ang mga May Kasulatan na mga nauna kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay hindi makakakaya sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh kung saan magkakaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at magkakait sila nito sa sinumang niloloob nila. [Ito ay] upang malaman nila na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan na natatangi dito ang sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: