Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 29 sa 29 • Tagalog


لِئَلَّا يَعْلَمَ أَهْلُ الْكِتَابِ أَلَّا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَيْءٍ مِنْ فَضْلِ اللَّهِ ۙ وَأَنَّ الْفَضْلَ بِيَدِ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ 29
Pagsasalin:
[Ito ay] upang makaalam ang mga May Kasulatan na hindi sila nakakakaya [na kumamit] sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh at na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh: nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan. Al-Ḥadīd 57:29
Tafsīr:
Naglinaw nga Kami para sa inyo ng kabutihang-loob Naming sukdulan sa pamamagitan ng inihanda Namin para sa inyo, O mga mananampalataya, na gantimpalang pinag-ibayo upang makaalam ang mga May Kasulatan na mga nauna kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay hindi makakakaya sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh kung saan magkakaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at magkakait sila nito sa sinumang niloloob nila. [Ito ay] upang malaman nila na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan na natatangi dito ang sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 28 Susunod Al-Mujādilah • Talata 1