Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 28 sa 29 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَآمِنُوا بِرَسُولِهِ يُؤْتِكُمْ كِفْلَيْنِ مِنْ رَحْمَتِهِ وَيَجْعَلْ لَكُمْ نُورًا تَمْشُونَ بِهِ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 28
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya, magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa awa Niya, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag, na maglalakad kayo sa pamamagitan nito, at magpapatawad Siya para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Ḥadīd 57:28
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at sumampalataya kayo sa Sugo Niya, magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa gantimpala at pabuya dahil sa pananampalataya ninyo kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at pananampalataya ninyo sa mga sugong nauna, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag na mapapatnubayan kayo sa pamamagitan nito sa buhay ninyong pangmundo at maliliwanagan kayo sa pamamagitan nito sa landasing tuwid sa Araw ng Pagbangon, at magpapatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo kaya magtatakip Siya sa mga ito at hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Mapagpatawad sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 27 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 29