Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 12

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَاجَيْتُمُ الرَّسُولَ فَقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 12 ١٢

O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo [ng maikakawanggawa], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (12)

Tafsīr
Noong nagpadalas ang mga Kasamahan sa sarilinang pakikipag-usap sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nagsabi si Allāh: "O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo ng pakikipaglihiman sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng pakikipaglihiman ninyo, ng isang kawanggawa. Ang paghahandog na iyon ng kawanggawa ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay dahil sa taglay nito na pagtalima kay Allāh, na nagpapalinis sa mga puso. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo ng maikakawanggawa ninyo, walang maisisisi sa inyo sa pakikipaglihiman sa kanya sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nag-atang sa kanila maliban ng ayon sa kakayahan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba