Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nabagabag ba kayo [sa karukhaan] na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. (13)
Tafsīr
Nangamba ba kayo sa karalitaan dahilan sa paghahandog ng kawanggawa kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo? Kaya kapag hindi ninyo nagawa ang ipinag-utos ni Allāh mula sa mga ito at tumanggap naman Siya sa inyo ng pagbabalik-loob yayamang pumayag Siya para sa inyo sa pagwaglit niyon, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: