Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 19

اسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ الشَّيْطَانُ فَأَنْسَاهُمْ ذِكْرَ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ حِزْبُ الشَّيْطَانِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ الشَّيْطَانِ هُمُ الْخَاسِرُونَ 19 ١٩

Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi. (19)

Tafsīr
Nakapangibabaw sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila, sa pamamagitan ng panunulsol nito, ng pag-alaala kay Allāh kaya hindi sila gumawa ayon sa ikinalulugod Niya at gumawa lamang sila ng ikinagagalit Niya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito ay ang mga lugi sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat ipinagbili nila ang patnubay kapalit ng kaligawan at ang Hardin kapalit ng Apoy.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba