Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 19 sa 22 • Tagalog


اسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ الشَّيْطَانُ فَأَنْسَاهُمْ ذِكْرَ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ حِزْبُ الشَّيْطَانِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ الشَّيْطَانِ هُمُ الْخَاسِرُونَ 19
Pagsasalin:
Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi. Al-Mujādilah 58:19
Tafsīr:
Nakapangibabaw sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila, sa pamamagitan ng panunulsol nito, ng pag-alaala kay Allāh kaya hindi sila gumawa ayon sa ikinalulugod Niya at gumawa lamang sila ng ikinagagalit Niya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito ay ang mga lugi sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat ipinagbili nila ang patnubay kapalit ng kaligawan at ang Hardin kapalit ng Apoy.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 18 Susunod Al-Mujādilah • Talata 20