Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga nagsasagawa ng dhihār kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina nila kundi ang mga nanganak sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad. (2)
Tafsīr
Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila sa pamamagitan ng pagsabi ng isa sa kanila sa maybahay niya: "Ikaw para sa akin ay gaya ng likod ng ina ko" ay nagsinungaling sa pagsasabi nilang ito sapagkat ang mga maybahay nila ay hindi mga ina nila. Ang mga ina nila ay ang mga nagsilang lamang sa kanila. Tunay na sila, yayamang nagsasabi sila ng sinabing iyon, ay talagang nagsasabi ng isang sinasabing karumal-dumal at isang kasinungalingan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad sapagkat nagsabatas Siya para sa kanila ng panakip-sala bilang pagpapalaya para sa kanila mula sa kasalanan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: