Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 3

وَالَّذِينَ يُظَاهِرُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 3 ٣

Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. (3)

Tafsīr
Ang mga nagsasabi ng karumal-dumal na sinasabing ito, pagkatapos nagnanais sila ng pakikipagtalik sa pinagsagawaan nila ng dhihār kabilang sa mga ito, kailangan sa kanila na magtakip-sala sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin bago pa sila makipagtalik sa mga ito. Ang kahatulang nabanggit na iyon ay ipinag-uutos sa inyo bilang pagsawata para sa inyo sa dhihār. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba