Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 3 sa 22 • Tagalog


وَالَّذِينَ يُظَاهِرُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 3
Pagsasalin:
Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. Al-Mujādilah 58:3
Tafsīr:
Ang mga nagsasabi ng karumal-dumal na sinasabing ito, pagkatapos nagnanais sila ng pakikipagtalik sa pinagsagawaan nila ng dhihār kabilang sa mga ito, kailangan sa kanila na magtakip-sala sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin bago pa sila makipagtalik sa mga ito. Ang kahatulang nabanggit na iyon ay ipinag-uutos sa inyo bilang pagsawata para sa inyo sa dhihār. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 2 Susunod Al-Mujādilah • Talata 4