Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 4 sa 22 • Tagalog


فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۖ فَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۗ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ 4
Pagsasalin:
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan; ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit. Al-Mujādilah 58:4
Tafsīr:
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo kabilang sa inyo ng isang aliping palalayain niya ay kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa siya makipagtalik sa maybahay niya na pinagsagawaan niya ng dhihār; ngunit ang sinumang hindi nakakaya ng pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran ay kailangan sa kanya ang pagpapakain ng animnapung dukha. Ang kahatulang iyon na inihatol ay upang sumampalataya kayo na si Allāh ay nag-utos nito kaya sumunod kayo sa utos Niya at tumalima kayo sa Sugo Niya. Ang mga kahatulang iyon na isinabatas para sa inyo ay mga hangganan ni Allāh na itinakda Niya para sa mga lingkod Niya kaya huwag kayong lumampas sa mga ito. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa mga kahatulan ni Allāh at mga hangganan Niya na itinakda Niya ay isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 3 Susunod Al-Mujādilah • Talata 5