Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan; ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit. (4)
Tafsīr
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo kabilang sa inyo ng isang aliping palalayain niya ay kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa siya makipagtalik sa maybahay niya na pinagsagawaan niya ng dhihār; ngunit ang sinumang hindi nakakaya ng pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran ay kailangan sa kanya ang pagpapakain ng animnapung dukha. Ang kahatulang iyon na inihatol ay upang sumampalataya kayo na si Allāh ay nag-utos nito kaya sumunod kayo sa utos Niya at tumalima kayo sa Sugo Niya. Ang mga kahatulang iyon na isinabatas para sa inyo ay mga hangganan ni Allāh na itinakda Niya para sa mga lingkod Niya kaya huwag kayong lumampas sa mga ito. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa mga kahatulan ni Allāh at mga hangganan Niya na itinakda Niya ay isang pagdurusang nakasasakit.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: