Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 7

أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِنْ نَجْوَىٰ ثَلَاثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَا أَدْنَىٰ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 7 ٧

Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. (7)

Tafsīr
Hindi mo ba napag-alaman, O Sugo, na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa? Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Walang anumang pag-uusap ng tatlo nang palihim malibang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang ikaapat nila sa kaalaman Niya, walang anumang pag-uusap ng lima nang palihim malibang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang ikaanim nila sa kaalaman Niya, ni ng higit na kaunti kaysa sa bilang na iyon ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila sa kaalaman Niya nasaan man sila. Walang nakakukubli sa Kanya mula sa pag-uusap nila na anuman. Pagkatapos magpapabatid sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba