Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 7 sa 22 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِنْ نَجْوَىٰ ثَلَاثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَا أَدْنَىٰ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 7
Pagsasalin:
Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. Al-Mujādilah 58:7
Tafsīr:
Hindi mo ba napag-alaman, O Sugo, na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa? Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Walang anumang pag-uusap ng tatlo nang palihim malibang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang ikaapat nila sa kaalaman Niya, walang anumang pag-uusap ng lima nang palihim malibang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang ikaanim nila sa kaalaman Niya, ni ng higit na kaunti kaysa sa bilang na iyon ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila sa kaalaman Niya nasaan man sila. Walang nakakukubli sa Kanya mula sa pag-uusap nila na anuman. Pagkatapos magpapabatid sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 6 Susunod Al-Mujādilah • Talata 8