Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 6 sa 22 • Tagalog


يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ أَحْصَاهُ اللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ 6
Pagsasalin:
sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila [na masagwa sa Mundo]. Mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi. Al-Mujādilah 58:6
Tafsīr:
Sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh sa kalahatan ay hindi Siya mag-iiwan sa kanila ng isa man saka magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila sa Mundo na mga gawang pangit. Mag-iisa-isa niyon si Allāh sa kanila sapagkat walang nakalusot sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman. Lumimot niyon sila mismo ngunit matatagpuan nila iyon na nakasulat sa mga talaan nila na hindi nag-iiwan ng isang maliit ni ng isang malaki malibang inisa-isa ng mga ito iyon. Si Allāh sa bawat bagay ay nakababatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 5 Susunod Al-Mujādilah • Talata 7