Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 10

وَالَّذِينَ جَاءُوا مِنْ بَعْدِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا وَلِإِخْوَانِنَا الَّذِينَ سَبَقُونَا بِالْإِيمَانِ وَلَا تَجْعَلْ فِي قُلُوبِنَا غِلًّا لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا إِنَّكَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ 10 ١٠

Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: “Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain.” (10)

Tafsīr
Ang mga dumating nang matapos ng mga ito at sumunod sa mga ito sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagbangon ay nagsasabi: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin sa Relihiyon, na nauna sa amin sa pananampalataya sa Iyo at sa Sugo Mo, at huwag Kang maglagay sa mga puso Namin ng inis at sama ng loob sa isa sa mga mananampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin sa mga lingkod Mo, Maawain sa kanila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba