Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 10 sa 24 • Tagalog


وَالَّذِينَ جَاءُوا مِنْ بَعْدِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا وَلِإِخْوَانِنَا الَّذِينَ سَبَقُونَا بِالْإِيمَانِ وَلَا تَجْعَلْ فِي قُلُوبِنَا غِلًّا لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا إِنَّكَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ 10
Pagsasalin:
Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: “Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain.” Al-Ḥashr 59:10
Tafsīr:
Ang mga dumating nang matapos ng mga ito at sumunod sa mga ito sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagbangon ay nagsasabi: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin sa Relihiyon, na nauna sa amin sa pananampalataya sa Iyo at sa Sugo Mo, at huwag Kang maglagay sa mga puso Namin ng inis at sama ng loob sa isa sa mga mananampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin sa mga lingkod Mo, Maawain sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 9 Susunod Al-Ḥashr • Talata 11