Hindi ka ba tumingin sa mga nagpaimbabaw habang nagsasabi sa mga kapatid nila na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan: “Talagang kung pinalisan kayo ay talagang lilisan nga kami kasama sa inyo. Hindi kami tatalima alang-alang sa inyo sa isa man magpakailanman. Kung kinalaban kayo ay talagang mag-aadya nga kami sa inyo.” Si Allāh ay sumasaksi na sila ay talagang mga sinungaling. Al-Ḥashr 59:11 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga nagpakubli ng kawalang-pananampalataya at nagpalitaw ng pananampalataya habang nagsasabi sa mga kapatid nila sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga Hudyo na mga tagasunod ng Torah na pinilipit: "Manatili kayo sa mga tahanan ninyo, hindi kami magtatatwa sa inyo at hindi kami magsusuko sa inyo. Saka talagang kung nagpalisan sa inyo ang mga Muslim mula sa mga iyon ay talagang lilisan nga kami bilang pakikiisa kasama sa inyo. Hindi kami tatalima sa isang nagnanais na pumigil sa amin sa paglisan kasama sa inyo. Kung kumalaban sila sa inyo ay talagang tutulong nga kami sa inyo laban sa kanila." Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling sa pinagsasabi nila na paglisan kasama sa mga Hudyo kapag pinalisan ang mga ito at sa pakikipaglaban kasama sa mga ito kapag kinalaban ang mga ito.