Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 12 sa 24 • Tagalog


لَئِنْ أُخْرِجُوا لَا يَخْرُجُونَ مَعَهُمْ وَلَئِنْ قُوتِلُوا لَا يَنْصُرُونَهُمْ وَلَئِنْ نَصَرُوهُمْ لَيُوَلُّنَّ الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يُنْصَرُونَ 12
Pagsasalin:
Talagang kung pinalisan ang mga ito ay hindi sila lilisan kasama sa mga ito. Talagang kung kinalaban ang mga ito ay hindi mag-aadya sa mga ito sila [na mga mapagpaimbabaw]. Talagang kung nag-aadya man sila sa mga ito ay talaga ngang magbabaling sila ng mga likuran [nila], pagkatapos hindi sila maiaadya. Al-Ḥashr 59:12
Tafsīr:
Talagang kung nagpalisan ang mga Muslim sa mga Hudyo ay hindi lalayas ang mga mapagpaimbabaw kasama sa mga Hudyo. Talagang kung kumalaban ang mga Muslim sa mga Hudyo ay hindi mag-aadya at hindi tutulong ang mga mapagpaimbabaw sa mga Hudyo. Talagang kung nag-adya man at tumulong man ang mga mapagpaimbabaw sa mga Hudyo laban sa mga Muslim ay talagang tatakas ang mga mapagpaimbabaw palayo sa mga Hudyo. Pagkatapos hindi maiaadya ang mga mapagpaimbabaw matapos niyon, bagkus aabahin sila ni Allāh at dudustain Niya sila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 11 Susunod Al-Ḥashr • Talata 13