Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi sila nakikipaglaban sa inyo nang lahatan maliban sa mga pamayanang pinatibay o mula sa likod ng mga pader. Ang karahasan nila sa pagitan nila ay matindi. Mag-aakala ka na sila ay magkasama samantalang ang mga puso nila ay hati-hati. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa. (14)
Tafsīr
Hindi nakikipaglaban sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga Hudyo habang mga nagsasama-sama maliban sa mga pamayanang pinatibay ng mga pader o mula sa likod ng mga pader sapagkat sila ay hindi nakakakaya sa pagharap sa inyo dahil sa karuwagan nila. Ang bagsik nila sa pagitan nila ay malakas dahil sa namamagitan sa kanila na pag-aaway. Nagpapalagay ka na sila ay nasa adhikaing nag-iisa at na ang hanay nila ay nag-iisa gayong ang reyalidad ay na ang mga puso nila ay nagkakahati-hating nagkakaiba-iba. Ang pagkakaiba-iba at ang pag-aawayang iyon ay dahilan sa sila ay hindi nakapag-uunawa yayamang kung sakaling sila ay nakapag-uunawa ay talaga sanang nakakilala sila sa katotohanan, sumunod sila rito, at hindi sila nagkaiba-iba kaugnay rito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: