Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 14 sa 24 • Tagalog


لَا يُقَاتِلُونَكُمْ جَمِيعًا إِلَّا فِي قُرًى مُحَصَّنَةٍ أَوْ مِنْ وَرَاءِ جُدُرٍ ۚ بَأْسُهُمْ بَيْنَهُمْ شَدِيدٌ ۚ تَحْسَبُهُمْ جَمِيعًا وَقُلُوبُهُمْ شَتَّىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْقِلُونَ 14
Pagsasalin:
Hindi sila nakikipaglaban sa inyo nang lahatan maliban sa mga pamayanang pinatibay o mula sa likod ng mga pader. Ang karahasan nila sa pagitan nila ay matindi. Mag-aakala ka na sila ay magkasama samantalang ang mga puso nila ay hati-hati. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa. Al-Ḥashr 59:14
Tafsīr:
Hindi nakikipaglaban sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga Hudyo habang mga nagsasama-sama maliban sa mga pamayanang pinatibay ng mga pader o mula sa likod ng mga pader sapagkat sila ay hindi nakakakaya sa pagharap sa inyo dahil sa karuwagan nila. Ang bagsik nila sa pagitan nila ay malakas dahil sa namamagitan sa kanila na pag-aaway. Nagpapalagay ka na sila ay nasa adhikaing nag-iisa at na ang hanay nila ay nag-iisa gayong ang reyalidad ay na ang mga puso nila ay nagkakahati-hating nagkakaiba-iba. Ang pagkakaiba-iba at ang pag-aawayang iyon ay dahilan sa sila ay hindi nakapag-uunawa yayamang kung sakaling sila ay nakapag-uunawa ay talaga sanang nakakilala sila sa katotohanan, sumunod sila rito, at hindi sila nagkaiba-iba kaugnay rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 13 Susunod Al-Ḥashr • Talata 15