Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 15 sa 24 • Tagalog


كَمَثَلِ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ قَرِيبًا ۖ ذَاقُوا وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 15
Pagsasalin:
Katulad ng mga [Hudyo] bago pa nila kamakailan, lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. Al-Ḥashr 59:15
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa mga Hudyong ito sa kawalang-pananampalataya nila at anumang dumapo sa kanila na parusa ay katulad ng mga bago pa nila kabilang sa mga tagapagtambal ng Makkah sa isang panahong malapit. Kaya lumasap sila ng kasagwaan ng kinahinatnan ng kawalang-pananampalataya nila. Kaya napatay ang sinumang napatay at nabihag ang sinumang nabihag kabilang sa kanila sa Araw ng Labanan sa Badr. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 14 Susunod Al-Ḥashr • Talata 16