Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 16 sa 24 • Tagalog


كَمَثَلِ الشَّيْطَانِ إِذْ قَالَ لِلْإِنْسَانِ اكْفُرْ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِنْكَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ 16
Pagsasalin:
[Ang mga mapagpaimbabaw ay] katulad ng demonyo noong nagsabi siya sa tao: “Tumanggi kang sumampalataya!” Ngunit noong tumangging sumampalataya ito ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.” Al-Ḥashr 59:16
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa kanila sa pakikinig nila sa mga mapagpaimbabaw ay katulad ng demonyo nang umakit siya sa tao na tumangging sumampalataya. Ngunit noong tumangging sumampalataya ito dahilan sa pang-aakit niya rito sa kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo noong tumanggi kang sumampalataya; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 15 Susunod Al-Ḥashr • Talata 17