Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 16

كَمَثَلِ الشَّيْطَانِ إِذْ قَالَ لِلْإِنْسَانِ اكْفُرْ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِنْكَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ 16 ١٦

[Ang mga mapagpaimbabaw ay] katulad ng demonyo noong nagsabi siya sa tao: “Tumanggi kang sumampalataya!” Ngunit noong tumangging sumampalataya ito ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.” (16)

Tafsīr
Ang paghahalintulad sa kanila sa pakikinig nila sa mga mapagpaimbabaw ay katulad ng demonyo nang umakit siya sa tao na tumangging sumampalataya. Ngunit noong tumangging sumampalataya ito dahilan sa pang-aakit niya rito sa kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo noong tumanggi kang sumampalataya; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba