Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 19

وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ نَسُوا اللَّهَ فَأَنْسَاهُمْ أَنْفُسَهُمْ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ 19 ١٩

Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila. Ang mga iyon ay ang mga suwail. (19)

Tafsīr
Huwag kayong maging tulad ng mga lumimot kay Allāh dahil sa pagtigil sa pagtalima sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya. Kaya nagpalimot si Allāh sa kanila ng mga sarili nila saka hindi sila gumawa ng magliligtas sa mga ito mula sa galit ni Allāh at parusa Niya. Ang mga lumimot na iyon kay Allāh, sapagkat hindi sila sumunod sa ipinag-uutos Niya at hindi sila nagpigil sa sinasaway Niya, ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba