Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila. Ang mga iyon ay ang mga suwail. Al-Ḥashr 59:19 ⧉
Tafsīr:
Huwag kayong maging tulad ng mga lumimot kay Allāh dahil sa pagtigil sa pagtalima sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya. Kaya nagpalimot si Allāh sa kanila ng mga sarili nila saka hindi sila gumawa ng magliligtas sa mga ito mula sa galit ni Allāh at parusa Niya. Ang mga lumimot na iyon kay Allāh, sapagkat hindi sila sumunod sa ipinag-uutos Niya at hindi sila nagpigil sa sinasaway Niya, ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.