Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi. Al-Ḥashr 59:20 ⧉
Tafsīr:
Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso, bagkus sila ay mga magkakaiba-iba sa ganti sa kanila tulad ng pagkakaiba-iba ng mga gawain nila sa Mundo. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo ng hinihiling nila, na mga maliligtas mula sa pinangingilabutan nila.