Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 21 sa 24 • Tagalog


لَوْ أَنْزَلْنَا هَٰذَا الْقُرْآنَ عَلَىٰ جَبَلٍ لَرَأَيْتَهُ خَاشِعًا مُتَصَدِّعًا مِنْ خَشْيَةِ اللَّهِ ۚ وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ 21
Pagsasalin:
Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh. Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip. Al-Ḥashr 59:21
Tafsīr:
Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka, O Sugo, sa bundok na iyon na sa kabila ng katigasan nito ay nagpapakaaba na nagkakalamat-lamat dala ng tindi ng takot kay Allāh dahil sa nasaad sa Qur'ān na mga pangaral na sumasawata at bantang matindi. Ang mga paghahalimbawa na ito ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay magpapagana ng mga isip nila para mapangaralan sila ng nilalaman ng mga talata nito na mga pangaral at mga maisasaalang-alang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 20 Susunod Al-Ḥashr • Talata 22