Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 22 sa 24 • Tagalog


هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۖ هُوَ الرَّحْمَٰنُ الرَّحِيمُ 22
Pagsasalin:
Siya ay si Allāh na walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya, ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain. Al-Ḥashr 59:22
Tafsīr:
Siya ay si Allāh na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya, ang Nakaaalam sa nakalingid at nakalantad: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, ang Napakamaawain sa Mundo at Kabilang-buhay at ang Maawain sa dalawang ito: sumakop ang awa Niya sa dalawang daigdig, ang Hari na pinawalang-kaugnayan sa kasiraan, ang Binanal laban sa bawat kakulangan, ang Malaya sa bawat kapintasan, ang Tagapagpaniwala sa mga sugo sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang himala, ang Mapagmasid sa mga gawain ng mga lingkod Niya, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Palasupil na lumupig sa pamamagitan ng panunupil Niya sa bawat bagay, ang Nakapagmamalaki. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal higit sa anumang itinatambal sa Kanya ng mga tagapagtambal na mga diyus-diyusan at iba pa sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 21 Susunod Al-Ḥashr • Talata 23