Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 18 sa 24 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَلْتَنْظُرْ نَفْسٌ مَا قَدَّمَتْ لِغَدٍ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 18
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. Al-Ḥashr 59:18
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Pagnilay-nilayan ng kaluluwa ang ipinauna niya na gawang maayos para sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 17 Susunod Al-Ḥashr • Talata 19