Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 21

لَوْ أَنْزَلْنَا هَٰذَا الْقُرْآنَ عَلَىٰ جَبَلٍ لَرَأَيْتَهُ خَاشِعًا مُتَصَدِّعًا مِنْ خَشْيَةِ اللَّهِ ۚ وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ 21 ٢١

Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh. Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip. (21)

Tafsīr
Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka, O Sugo, sa bundok na iyon na sa kabila ng katigasan nito ay nagpapakaaba na nagkakalamat-lamat dala ng tindi ng takot kay Allāh dahil sa nasaad sa Qur'ān na mga pangaral na sumasawata at bantang matindi. Ang mga paghahalimbawa na ito ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay magpapagana ng mga isip nila para mapangaralan sila ng nilalaman ng mga talata nito na mga pangaral at mga maisasaalang-alang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba